Ang Oppa Gangnam Style at OPM

Kilala ni’yo ba si Psy? Sino nga ba sa atin ang hindi nakakakilala sa kanya? Paano ba naman kasi,kahit sino ang tanungin mo ngayon kung ano sa kanilang tingin ang pinakasikat na awitin, sigurado ang isasagot nila ay Oppa Gangnam Style.Kapag hindi ninyo alam kung sino si Psy at hindi pa ninyo naririnig ang Oppa Gangnam isa lang ang ibig sabihin niyan – nahuhuli na kayo sa uso. Iyong video nga ng kanta sa Youtube ay umani na ng 300 million hits at mas dumarami pa sa kasalukuyan. Sinasayaw na rin ito ng marami – bata, matanda, babae at maging ng mga nagkikisigang player ng Azkals.  Inaawit pa nga nila kahit hindi maintindihan.

Nakatutuwang malaman na kahit hindi naiintindihan ng mga tao mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang awit ni Psy, ay nagkakaisa naman sila sa pagsabi na nakakatuwa at maganda ang musika na likha nito.Sa kabilang banda nakakaalarma din namang isipin na sa

Si Gloc 9
(Ang larawang ito ay mula sa.http://rovidianpopculturep-rapfanzone.blogspot.com/)

Pilipinas ang kabataan (maging ang mga matatanda)sa ngayon ay mas kilala pa si Psy kesa sa mga naghuhusayang mang-aawit sa Pilipinas. Sana kanit inaawit nila ang Oppa Gangnam ay alam din nila ang awit ni Gloc 9 na Sirena o ang kanta ni Myrus na Pusong Bato.

Saan na nga ba napunta ang PILIPINO MUNA natin na mentalidad. Hindi naman masama na makihataw sa tugtugin ng ibang bansa. Ang sa akin lang, ay h’wag naman nating kalimutan ang sariling atin. Mabuti na lamang nga at may mga tinagalog na parody ang nasabing kanta, na kahit hindi man iyon ang saktong kahulugan at least kahit papaano naka-tagalog. Pero kung ako ang tatanungin sana sa halip na i-tagalog natin ang ibang kanta ay gumawa na lang tayo ng sariling atin, iyong bago, yong orihinal — kahit pa sa Ingles iyon nakasulat, basta OPM.Napapansin ko kasi puro revival na lang ang awitin ngayon na maririnig sa radyo. Para bang naubusan na ng ideya ang mga kompositor ng Pilipinas. Mabuti na lang at nandiyan si Pareng Gloc 9 at Noel Cabangon para isalba ang OPM. Nandiyan din naman ang Cge.tv na kasama angTanduay at  ABS-CBN ay pinalalakas ang OPM at nagdediskubre ng mga bagong komposisyong OPM.Kung mahusay sa lang ako sa musika, sasali ako, kaso hindi ko iyon linya. Kayo na lang kaya ang sumali at makibahagi sa pagpapalakas ng OPM. I-click lang ang image para malaman ang paraan ng pagsali.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s