Buhay sa Mata ng Isang Preso -Dokumentaryo

Magtataka kayo kung bakit ganoon ang titulo ng artikulong ito. Pasensya na po.Hindi po ito dokumentaryo.  Ang post na ito ay tungkol sa dokumentaryo na ginagawa ng aking mga estudyante.

Kanina,nag interview ang mga estudyante ko ng mga preso sa loob ng City Jail para sa Documentary project nila na may title “Life in the Eyes of a Prisoner. ” Siyempre, may assistance ng police. Nakakatuwa, kasi pagsundo ko sa kanila,nakita ko sa mata na may nagbago sa bahagi ng pagkatao nila. Hindi ko maipalawanag. Wisdom,awa sa nakakulong…hindi ko alam.Pero sa tingin ko dahil may natutunnan sila na ako mismo ay aminadong hindi maibabahagi sa kanila.Sayang kung higit na maaga akong dumating, nalaman ko sana kung anong pagbabago ang nangyari sa kanila.

Pumasok din ako sa loob. Mag-isa na nga lang akong nilibot ng warden. Hindi naman pala nakatakot sa loob.Ibang-iba sa pinapakita ng telebisyon. Maaliwalas at malinis ang lugar. May simbahan sa loob at basketball Court. Hindi na ako lumayo dahil restricted area na ang ibang lugar.

Nakita ko sa  mga mata ng nakakulong ‘yong longing for love and acceptance. In fact,ayon sa mga estudyante ko,sa loob ng receiving area sila kumain, kasama ang mga preso. Sila pa nga ang nagbigay ng tubig sa estudyante ko na walang panulak.Sa tingin ko ang act na iyon ay example ng “longing for acceptance” nila.

Ikwinento ng mga estudyante ko ang kanilang experience.Pinapanood din nila ang ilan sa kuha nila ng interview. Mahusay naman nilang naikubli ang mukha ng detainees na kanilang ininterview. Sabi ng isang ininterview na detainee, gusto niya magbago kaso nung lumaya sya,nalaman niya na mahirap pala gawin yon. Nandoon kasi ung judgment. At kahit anong mabuting gawin niya., iniiisip ng iba na may masama s’yang motibo. Naisip ko ganon ako. Madalas pag titingin ako sa ibang tao, yong naalala ko iyong masama nilang ginawa noon.

Mahirap talaga ang buhay sa loob ng kulungan. Lungkot,pag-iisa, longing at pagkabugnot ang kanilang nararamdaman. Pero mas mahirap pala sa labas ng kulungan.  Ito ay dahil sa mapangmatang lipunan. Dagdag pa  nga ng detainee, buti pa sa loob,merong pagkain at malapit sila sa Diyos, may bible study at malayo sa anumang klase ng gulo at tukso. Sa labas, nariyan din ang masamang impluwensya at mga bagay na mag-uudyok sa tao gumawa ng masama

Bakit ko sinsabi ito ngayon? Wala lang. Gusto ko lang mashare sa inyo. Masaya kasi ako sa nangyari.Hindi ko naman ito maisigaw sa Facebook Wall ko kasi baka sabihin ng mga tao ni-risk ko ang safety ng students ko.Alam naman natn sa Facebook at Twitter, oadalos-dalos ang mga tao sa pag-conlclude.H’wag kayo mag-aalala, pinag-isipan kong mabuti kung ok ba na mag-interview sila sa kulungan. Nagtanong at lumiham naman kami sa City Jail bago namin ito ginawa. Hindi rin naman kami pinayagan lumapit sa selda. Doon lang sa receving area at chapel.Nakakatuwa dahil pumayag ang City Jail. Ayon pa sa kanila masaya sila dahil sa pagkakataong maipakita sa iba na ang kulungan ay hindi lugar ng masasamang taong pinarurusahan, ngunit lugar kung saan ang masama ay maaaring magbago.

Kung i-dedescribe ko ang nangyari ngayon sa isang salita ito ay “life-changing”.


2 thoughts on “Buhay sa Mata ng Isang Preso -Dokumentaryo

  1. napaka-motivating iyong kwento at sana maraming tao pa ang mapukaw ng iyong sentimiento. Ako rin minsan ay nagiging judgmental pero kasi dun na nga sa kahina-hinala nag-iisip ka na what more dun sa alam mong may record na. I think this is normal reaction sa inisyal pero kapag ganito pa rin ang parati ang reaction kahit nakilala mo na yung tao nang matagal, kakatirin na ng utak ‘yon.

    may mga nakillala ako at nakakausap na galing kulungan – as in yung mga nakapatay or naging drug addict. wala naman akong problema sa kanila as long as okay naman sila sa pakisama sa akin. I think it is also because of their personality – jovial despite sa kanilang mga pinagdaanan. Basta di ba , act normal lang sa isa’t isa. dahil at the end of the day, tao tayo na may damdamin kahit ano pang background natin sa buhay.

    mabuhay sa inyong project!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s