Paalam 2012, Year-Ender Report ni Irenepabz

Bukas na ang huling araw ng 2012. Maraming nangyari sa taong ito. Isa ang balitang end of the world na yumanig sa mga konsensya ng maraming tao para magbagong buhay.Pati ako, kahit hindi naniwala sa doom’s day o rapture nilang sinasabi ay apektado at napaisip kung isa ba ako sa maliligtas. Maliban doon, nandiyan din ang malalaking balita tulad ng pagkatalo ni Manny Pacquiao, pagakapanalo ni Donaire, pagkapanalo ni Jessica Sanchez sa  American Idol bilang 2nd placer at ang biglang sikat ni Amalayer. Pero sandali, preno muna tayo sa mga big events ng 2012 dahil may year-ender na ang ABS CBN para diyan.Ang year-ender post na ito ay patungkol sa akin.

2012.Ito na nga siguro ang pinakamahabang taon para sa akin. Hindi literal na mahaba dahil merong February 29 ngayong taon,  kung hindi dahil ito kasi ang taon kung saan ang dami dami kong pinoblema, ginawa, sinimulan, tinapos at sinubukan.  Sa taong din ito ako halo-halo ang emosyon kong naramdaman. Sa post na ito babalikan ko lang ang ilan sa mga nangyari sa akin.Naks! Kala mo kung sino akong sikat oh.Hehe.

Pagsisimula ng aking Paglalakbay sa blogosphere.

Hindi naman ito unang beses na bumuo ako ng blog. Ikalawa na nga,pero iyong una nauwi sa wala.Medyo walang focus nga  ang blog ko na to,pero at least may nabubuhusan ako ng sama ng loob at nababahaginan ng saya.Mabibilang nga lang sa daliri ang tagasubaybay o followers ng blog na ‘to pero hindi naman iyon ang nais ko, gusto ko lang gamitin ang utak ko at maipahayag ang sarili sa pagbablog. Bonus na ang magakaroon ng followers.

Maraming Hosting Job

Medyo marami nga akong na-host na events ngayon. Reception ng kasal, beauty pageants,party at proigram. Lahat ng iyon pinatos ko, hindi lang para kumita ng pera o makapagsuot ng makukulay at mamahaling damit na pinahihiram ng event organizers, pero para matulungan ang sarili ko lumakas ang loob. Sa totoo lang tuwing umaakyat ako sa stage, kinakabahan ako.Sa 2013 kaya masasanay na ako at mas marami na akong hosting job?

Sumali sa Saranggola Blog Awards

Kahit alam ko na wala akong laban, sinubukan ko. Hindi ako ‘yo  nang ginawa ko iyon. Hindi kasi ako tipo ng tao na susugal. Mapride ako. Ayaw ko ng natatalo ako. Pero sumali ako. Isa iyong malaking pagbabago. Lalo na at madalas nakakubli lang sa notebook ko ang mga sinusulat ko.

Umalis ako sa pinagtatrabahuhan ko at Lumipat sa ibang eskwelahan.

Nang umalis ako hindi ko sigurado kung may pupuntahan ako, pero ginawa ako dahil hindi ako masaya sa ginagawa ko noon. Isang malaking pagbabago din iyon.

Masayang masaya naman ako sa bagong eskwelahan na kinabibilangan ko.

Co-adviser na ako ng isang award-winning na School Publication

Hindi ko deserve ito. Marami pa akong kakaining alikabok sa kahalukay at kababasa ng libro para maging co-adviser ng THE BANNER.Pero binigay sa akin ang posisyon at hindi ako binigyan ng karapatang tumanggi.

Napagsabay ko ang pag-aaral at pagtuturo.

Pinilit kong gawin ito ngayong taon. Tuwing summer lang ako noon nagmamasteral, pero ngayon tinuloy-tuloy ko.

Nag-aral ako ng ibang lenggwahe(korean ‘yon)at ng tourist guiding (habang nagtuturo at nag-aaral ng masteral)

Mahirap, pero nagawa ko!!!clap!clap!clap!

Mas marami akong pelikulang napanood at libro na nabasa ngayong taon

Di ‘ko na matandaan ang titles. Basta Marami!!

Nasimulan ko na ang unang nobela ko

Sa wattpad.com iyon nakapost . Wala pa akong lakas ng loob ibahagi iyon kaya isinusulat ko sa ilalim ng isang pseudonym.Hindi ko pa ito tapos isulat, pero sa utak ko, buong-buo na ang plot.

Marami rin namang hindi magagandang nangyari ngayong taon. Ngunit hindi ko na muna iyon babalikan. Ang tanging gagawin ko ay tandaan ang mga aral na natutunan ko sa mga malulungkot na pangyayaring iyon.

Ang susunod na taon ay nawa maging masaya sa akin at sa ating lahat!

Oo nga pala. Dahil year-ender ito. Ito ba ang huling post ko nhayong taon!!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s