Nagboblog Ako Kasi…

Wala pang isang taon nang sinimulan ko ang pagboblog dito sa wordpress. Sanggol pa lang kung maituturing at hindi pa nagbibirthday ang blogsite na ito. Pero hindi bago sa akin ang pagbablogging. Nasa kolehiyo pa lang ako ay  meron na akong blog sa blogger.com. Subalit hindi ko ito noon sineryoso dahil na rin sa dami na kailangang gawin,kaya napabayaan at nauwi nga sa tuluyang pagbura na lang ng nasabing blogsite. Pagkatapos ang mahigit tatlong taon, naramdaman ko ang pagkauhaw sa pagsulat. Iyon bang kating-kati ako na dumampot at ikuyom sa aking palad ang panulat. At ‘pag hawak ko na nga ang bolpen ay tuwang-tuwa ako kapag nakita kong lumuha na ng tinta ang aking panulat.Minsan nga ay hindi ko na mahinto ang sarili kong kamay sa pagsulat. Kaya bumili ako ng “journal”. Doon isinulat ko  lahat ng ideya na pumapasok sa aking balintataw. Pero hindi naging sapat sa akin ang pagsulat lamang sa papel. Alam ko at naramadaman ko sa sarili ko na gusto ng mga letrang naisulat ko na magkaroon ng boses. Oo, tama, gusto nilang marinig sila nang iba. Hindi literal na boses, ngunit boses na siyang magiging daan upang magkaroon sila ng laya sa pagkakapinid at pagkakakulong sa loob ng mga pahina sa aking kwaderno.

Ang totoo hindi ako ang tipo ng tao na “vocal” o iyon bang masalita. Nahihiya akong ipahayag ang naiisip o opinyon ko. Madalas ikinukubli ko na lang sa sarili ang anumang ideya sa aking isipan. Kaya nga minsan ko na rin naitanong sa sarili ko ang tanong na Bakit ako nagbablog?

Bakit nga ba, samantalang mababasa ito ng ibang mga tao? At kung boses ang hinahanap ko bakit hindi ko na lang sabihin nang diretsahan?

Maliban sa mahal ko talaga ang pagsusulat, nagboblog ako kasi may mga bagay na hindi mo basta maipapasok sa isang usapan, kaya mas mainam na isulat na lang. May mga bagay din na mas mainam na nakatala dahil masarap balik-balikan tulad ng masasayang alaala at mga sandaling puno ng hinagpis o kalungkutan pero nag-iwan sa atin ng mga aral sa buhay. Samantalang ang ibang mga sulatin naman ay magandang i-post dahil nakakakuha ka ng kuro-kuro mula sa ibang tao na dahilan upang mas malalim mong maintindihan ang isang bagay o isyu.

Pero ang pinakamabigat na dahilan talaga ay iyong una – dahil gusto kong magsulat. Sa pagsusulat ko kasi naipapakita  s’yang tunay na ako. Dito ko rin noon nahanap at mas nakilala  ang sarili ko. Noon, isa akong “mahina” na bata o “bobo” sa mas masakit na pananalita. Ngunit simula nang ako ay nagsulat at napuri ng konti ng isa sa aking mga guro sa kolehiyo ang aking sanaysay ay naisip ko na ang pagsusulat ay “great equalizer”.Sa pagsusulat, lalo na sa pagbablog, hindi ko kailangang maging “top student. Wala ring “rules” na sinusunod. Kailangan ko lang ipahayag ang sarili ko na may sinseredad. Iyon na nga siguro ang pinaka-essence ng aking pagbobalog. Dahil dito sa blog ko “I Write to express, Not to impress”.

———————————————————————————

Ito ay sagot sa Hoshi’s Blog Life Contest” ng kwentotpaniniwalanihitokirihoshi.wordpress.com

Ito ay lahok ko sa:

Blog Life Contest ni Hitokirihoshi



16 thoughts on “Nagboblog Ako Kasi…

  1. hello, eirene… ako man, hindi kagalingan noong estudyante pa… but then, nakakasulat tayo – dito sa blog at outside of blog rin, ahaha. and yes, we’ll get better as the days go by. promise ko yan sa ‘yo…😉 keep writing, sister. good luck sa iyong lahok sa patimpalak.🙂

    1. Feeling ko rin nga po mas humuhusay ako magsulat pag sulat ako nang sulat…though, nandoon pa rin ang grammatical errors na ang galing magtago kaya hindi nachecheck agad at hindi rin basta basta nakukuha yong tinatawag nilang “kalibre” at hindi pa rin ako mahusay sa “pagpapagalaw ng mga salita”… Sana nga mas humusay ako at sana makapagsulat din ako sa labas ng blog site na to..Salamat po sa encouragement.!!

  2. natawa ako sa comment ni potsquared a. oo nga no hindi lang sadista parang masokista ang dating.

    pero natutuwa ako sa ganda ng hinatid sa iyo ng pagsusulat at pagba-blog. naway kailanman hindi mo ito malimutan.

    Keep it up and mabuhay!

  3. hello, eirene… huwag masyadong ma-conscious sa grammar, marami nang programs na pang-edit ngayon, hehehe. at kahit wala pa, our grammatical errors lessen, habang dumarami ang ating nababasa at naisusulat, kapatid – true… ang importante, sulat ka ng sulat, habi ka ng habi at huhusay ng huhusay ang writings mo – despite yourself (ourselves) and your (our) insecurities, ahaha.

    have a good weekend ahead… good luck sa ‘yong entry.🙂 btw, dalawang hoshi ang dumalaw sa iyo, hihihi. aliw….😉 hi, hoshi!

    1. opo ate san…pinipilit ko rin po na huwag masyadong conscious sa grammar…nakakatuwa nga po na dalawang hoshi ang dumalaw…minsan lang yan..hehe!

  4. Hi Eirene! Bagong bisita me.🙂
    I agree, blogging in its essence is an expression, bonus na lang yung good impression ng iba sa pag go the extra mile.
    It’s amazing how part of my thoughts were expressed by someone else the way I would have wanted to express it but couldn’t. Mapapadalas ako dito for sure.😉

    1. Thanx June sa pagdaan…tama bonus na lang nga ang good impression…ang masaya kasi sa blogging ay basta nassasabi mo ung gusto mong sabihin…tsaka wala masyadong pakialam ang mga readers sa mechanics…:))..aabangan ko ang iyong muling pagdalaw!!

  5. ako man, kahit pa “masayahin” ang tingin sa akin ng ilan, mas honest ako sa tuwing nagsusulat ako…kumbaga ito ay doorway para maibahagi ko man lang ang mga naiisip at laman ng puso ko. Naka-relate ako sa post mo! Okey to! I also write to express and not to impress. sarap magsulat🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s