DAY 7 Challenge: Four Turn Offs

Ako ang tipo ng tao na hindi pumipili nang magiging kaibigan. Basta kaya mong sakyan ang ugali ko at “jive” tayo, wala akong pakialam kung ikaw ay bakla, babae, lalaki o tomboy, o kung parang kulay ng stoplight ang pananamit mo o ikaw yung tipong masikip manamit at mahilig magpakita ng “cleavage”. Kaya ko naman pakisamahan ang iba’t ibang klase ng tao. Pero meron talagang ugali ng tao na nagpapataas ng kilay ko at nagpapaturn off.

mula sa :http://winnipegpublibrary.files.wordpress.com/2011/05/snob11.gif

Una sa turn-off list ko ay ang ugaling “hindi” nagpapatalo ng argumento. Ito iyong ugali na “tama ako palagi”. Iyon bang latagan mo na ng ebidensya at matuwid na pagrarason ay siya pa rin talaga ang tama. Ang tao na ito ay parang may ribbon “Best in debate” na laging nakasabit sa dibdib, kaya nga mahilig makipagdebate. Umaapaw ang pride ng mga taong ito. Dagdag pa, hindi rin sila marunong magpapakumbaba at aminin na sila ay  nagkamali.

Ikalawa sa turn-off list ay ang mga magagandang babae at lalaki na hindi gumagamit ng utak. Lalong nakakainis kapag makapal ang lipstick ng babae o maganda ang porma ng lalake, pero hindi man lang alam kung ano ang capital ng Pilipinas o ano ang latest current events ngayon. Nakakainis at nakakaturn-off kapag ang isang babae ay may time mag-ahit ng kilay at mag-apply ng lipstick pero walang panahon magbasa o manood ng mga informative na bagay. Iyong alam lang basahin ay brochure ng AVON at ang showbiz page ng Balita. Ganoon din sa lalaki.Nakaturn-off ang lalaking pinaghahandaan at pinagkakagastusan ang porma pero wala namang diskarte sa buhay.Bilang guro, kapag may estudyante akong ganito, nadidisappoint talaga ako. Minsan nakakahigh blood pa nga kapag tinwag mo para ipalawanag ang isang konseptong noong isang araw lang ay sinabi mo sa kanila na alamin.

Ikatlo sa listahan ay ang taong laging nakakakita ng mali  sa ibang tao. Ito ang tipo ng tao na kapag tinabihan mo ay puro panlalait ang lalabas sa bibig. Puna nang puna na para bang s’ya ay walang pagkakamali. Ang hirap maging kaibigan ang ganitong klaseng tao. Marunong din naman mag-appreciate ang ilan sa kanila, pero madalas may “kaso”. Halimbawa ng kanilang mga linya ay, “ganda naman ng suot niya kaso chaka ang mukha.” (*Sabay tawa). Kapag sila ang lagi mong kasama baka maparanoid ka sa kaiingat na baka ikaw naman ang malait nila sa susunod, dahil kung kaya nilang laiitin ang mga taong hindi nga nila kakilala ano ka na lang na lagi nilang nakakasama.

Ikaapat, ay ang taong pessimist. “Hindi ko kaya. Hindi mo kaya. Mahirap” ang mga gasgas na linya nila.  Wala na rin silang lakas ng loob dahil sa kanilang negatibong pananaw sa buhay. Nakakatakot silanng kasama dahil nakakahawa talaga ang ganitong ugali.

pessimist-vs-optimist

“Everybody is unique” sabi ng isang konsepto sa pagtuturo at dapat intindihan ang pagkakaiba ng mga estudyante. Ganoon din ang konsepto sa buhay. Pero, ang ma ganoong apat na klase ng tao na nakalista sa itaas, hindi ko kayang tiisin pakisamahan.

Ang mga larawan sa itaas ay mula sa:


2 thoughts on “DAY 7 Challenge: Four Turn Offs

  1. Mahilig akong makipagtalo ng ideya pero kapag ang pagtatalo ay hindi na nagiging patas at ‘rational’ umiiwas ako. Ika nga nila sa mga argumento ang kadalasang nananalo ay hindi kung sino ang tama kundi ay kung sino ang pinakamaingay.🙂

    Nakakapang-init ng ulo ko ang stupidity. Meron pang iba na alam nang painagtatawanan, nagpapakastupid pa lalo. There’s a line between being funny and being stupid. I swear naaapreciate ko ang pinakatwisted na humor, pero kapag stupidity na ang nangingibabaw, makakarinig talaga sakin lalo na’t kaibigan ko hehe.

    To be honest laging present sa utak ko ang pagiging pessimist. Lagi silang naglalaban ni optimist prime sa isip ko. Pero sa pakikitungo tinatransform ko into positive ang sinasabi at ginagawa ko dahil alam ko meron itong epekto sa sakin at sa ibang tao.

    Yun lang po, wala talaga akong gustong sabihin. Gusto ko lang mag Hi! at sabihing gusto ko ang post na to.🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s