Day 8 Challenge: Three Turn Ons.

images (9)Ang daming dapat gawin!! Malapit na ang summer break. Ibig sabihin din nito maraming “paper works” na dapat gawin ang mga gurong tulad ko. Tambak na chechekan, computation ng grades at submission ng reports. Nakakapagod.  Kaya ipinahinga ko muna ang utak ko. Sasagutan ko muna itong ika-walong challenge sa 10-day Blog Challenge. Akala ko kaya ko itong sagutan ng tuloy-tuloy na sampung araw. Hindi pala. Di bale tatapusin ko pa rin. Kaya nga heto na!

Kulang ‘ata ang tatlo lang pero sige unang tatlo na lang sa medyo mahaba ko na listahan.

Una, gusto ko iyong MakaDiyos. Napakatipikal sa isang pilipina hindi ba? Gusto ko kasi iyong merong taong magpapaalala sa akin na may Diyos na nagbabantay na nakatingin at nag-aalala para sa akin kapag nagagalit na ako sa mundo at nagsasawa na ako magpakabait at maging mabait. Gusto ko rin iyong magsasaway sa akin kapag hindi na maganda ang sinasabi ko tungkol sa ibang tao. Tao lang kasi ako na nagkakamali din kaya gusto ko na may tao nandiyan para tulungan ako maging positibo. Isa pa, sa tingin ko kapag ang tao ay may takot sa Diyos ilalayo ka niya sa kasalanan at aalagaan niya ang iyong reputasyon. (Guess you ou know what I mean.)

Ikalawa, iyong may musical inclination at maganda iyong boses. Isang napakalaking “turn on” talaga kapag mahilig sa musika at maganda ang boses. Minsan nga kahit hindi kagwapuhan basta kumakanta at may kayang tugtugin na instrument parang gumagwapo na siya sa paningin ko. Lels…Atsaka ang sarap lang isipin na may tutugtog para sa akin o kakantahan  ako kapag bad mood ako or depressed. Ang sweet di ba?

Ikatlo ay ‘yong responsable. Kapag responsable kasi ang isang lalaki ibig sabihin siya ang tipong hinding hindi ako kakalimutan kasi nga responsable siya. Alam niya ang obligasyon niya sa akin.  Alam kong ang mga taong responsable ay madalas din busy. Pero kapag responsable ang isang tao gagawa siya ng paraan para lahat ng responsibilidad o dapat gawin niya ay magawa niya. Para sa akin din masisipag sila. At ang masisipag na tao kaya kang bigyan ng “bright future”

Kapag may kakilala kayong ganyan pakisabi o pakikilala sa akinsa akin. Lels..Hehe!


3 thoughts on “Day 8 Challenge: Three Turn Ons.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s