DI NA PO AKO MAGPAPAUTANG

Kasi po nahihiya na po akong magpapaalalaa na may hiniram kayo na lampas isang taon na. Naawa na rin po ako sa sarili ko na tuwing umaasa sa sinabi nyo na sa sweldo magbabayad na kayo, pero lumampas na po ang swelduhan at sinabi nyo na sa susunod na sweldo. Naulit po iyon nang naulit. Di po nauubos ang araw ng sweldo. Baka po umasa po ako ng forever n’yan, eh wala namang forever.

Kasi po nung kinulit nyo ako na manghihiram kayo ay ako po ay nagbigay naman na walang ibang sinabi na “Eto lang po kaya ko ipahiram.”, pero nung ako ay naningil, ako po ay sinabihan nyo na “Hindi nakakaintindi.”

Kasi po kailangan ko na ng pambili ng gamot, pero ako pa rin po ang hindi nakakaintindi.

Pasensya na po.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s