Para sa mga Nang-iwan

Ang sakit sakit naman makinig ng radyo lalo na kapag ang naririnig ko ay mga break up songs.Halos lahat ata ay patama sa nang-iwan. Halos lahat nasa perspective ng iniwan. Para bang lahat ng iniwan ng mahal nila ay iniwan na lang nang basta basta at walang dahilan.

Mga tipong “Someday you will realize my worth” o di kaya naman “Binigay ko naman ang lahat. Kulang pa ba at iniwan mo ako”.

Gusto ko minsan sumigaw at sabihin na “Oo! Nang-iwan ako! Pero hindi ako nanloko! Nag-iwan ako kasi di ko na kaya at ang sakit sakit na.”

Parang eksena sa pelikula di ba?

Pero seryoso. Bakit ganun ang mga kanta na iyon. Bakit pag nang-iwan ka parang ang sama-sama mo? Parang ang selfish mo?

Masama ba ako? Selfish ba ako? Hindi ba pwedeng napuno na rin ako sa paulit ulit na pagsisinungaling at panloloko? Hindi pa pwedeng ginawa ko lahat ng pag-iintindi pero sadyang sa huling pagkakataon hindi ko na kinaya? Hindi ba pwedeng pinilit kong maging masaya pero nangingibaw talaga ang sakit? Hindi pwedeng ako muna ang magpapakamahina dahil iyon ang totoo at nahihirapan na akong magpanggap na mas malakas?

Kung meron akong natutunan sa nangyayari ngayon sa buhay ko iyon ay hindi masama ang mag-iwan.Kung hindi na ko masaya sa relasyon bakit ko ipipilit. Kung nagawa ko na ang lahat ng pwedeng gawin – kasama ang pagpapakatanga – bakit ako mananatili sa relasyon na hindi ko na ginugusto? Eh di parang niloko ko na lang ang sarili ko at niloko ko na rin s’ya. Nagpakatanga na nga ko, magpapaka-artista pa ba? Mahirap ang magpanggap na masaya pa sa relasyon. Para ko lang pinapahaba ang relasyon pero ang totoo alam ko na kung ano ang ending. “Prolonging the agony” ika nga sa wikang Ingles. Pahahabain pa eh alam ko banda sa huli maghihiwalay din kami.Either manggagaling iyon sa kanya o sa akin. Kasi ang relasyon dapat masaya. Kahit na may pagkukulang at minsan ay nag-aaway dapat masaya, may kakuntentuhan.Iyong sayang hindi humahalakhak, hindi lang tungkol na ngiting abot tenga. Kundi sayang nararamdaman sa kaibuturan ng puso. Iyong kahit malayo kayo sa isa’t isa masaya kang bumabangon sa umaga dahil hindi ka mag-aalala kung namimiss ka rin n’ya kasi alam mong namimiss ka nya. Hindi nag-aalala kung sinong babae nanaman kaya ang kasama n’ya. Iyong chill lang. Hindi hinahanapan ng kulang. Hindi hinahanapan ng mali.Kasi naroroon ang tiwala and pagiging matapat. Two-sided dapat ‘yan.Ikaw at s’ya, nagtitiwala, nagpapakatapat.

Sa kaso ko kasi niloko na ko pero binigyan ko ng chance. Niloko ulit. Binigyan ng chance. Lagi akong nanghihinayang sa nasimulan. Nakakatakot tapusin. Baka magkamali. Baka di mapunan ang ibabakanteng pwesto na inilaan mo para sa kanya. Ilang beses na rin s’yang nagsinungaling. Iyong pinakahuli, napuno na ‘ko. Nagalit s’ya bakit ang liit lang daw ng kasalanan n’ya kumpara sa dato, bakit ngayon iiwan ko s’ya. Inexplain ko naman na napagod na ko magtiwala. Sabi n’ya,” bakit daw hindi ko s’ya mapagkatiwalaan ng 100% ulit.” Sabi ko, “kasi nga may pinanggagalingan ako kaya hindi basta-basta nagtitiwala ulit.” Nasaktan kaya ako. Nagalit lalo. Sabi n’ya “ang nagmamahal daw nagtitiwala”. Sabi ko naman sa kanya, “ang nagmamahal tapat.”

Kung bakit kasi hindi ko agad naisip itong sabi ng matatanda na Shame on him if you are fooled. Shame on you if you are fooled twice. Pangatlo na nga sa akin. Sabi nga ni Alex Gonzaga, “Shame on the community na ‘yan”

Ang pangalawa kong natutunan ay hindi rin selfish ang mang-iwan. Hindi naman dahil nang-iwan ako winner na ako. Hindi rin ibig sabihin hindi ako nasasaktan. Ang sakit kaya. Iniwan ko iyong taong mahal ko dahil mas matapang ako na aminin na hindi na talaga maayos ang mga gusot. Mas matapang ako na sabihin na tama na at tanggapin ang mga paratang na sumuko at bumitaw ako. Mas matapang ako na aminin sa sarili na hindi ako makakapagbibigay na happiness na kailangan nya at ganun din sa akin. Pareho pa rin kaming talo.

Kaya nga binigay ko iyong kalayaan nya kahit hindi nya naiintindihan. Pero alam ko nakita nya na paparating na. Ilang beses na rin naming sinubukan pero wala eh.Paulit-ulit lang ang nagiging problema namin.

Sabi niya pagsisisihan ko daw ang ginawa ko. Alam kong hindi. Sa tingin ko we’re better this way. Kung maging successful, mayaman at mabuti syang ama at asawa balang araw hindi ako manghihinayang dahil ibig sabihin mas naging mas mabuti s’yang tao nang magkahiwalay kami. Ibig sabihin tama ang naging desisyon ko.


2 thoughts on “Para sa mga Nang-iwan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s