Balang araw, malalaman mo kung bakit kayo nagbreak…

Yan yung mga sinabi ko noong nakipaghiwalay ako sa una kong nobyo na akala ko ay una at huli ko nang mamahalin. First love eh. Akala ko perfect ang lahat. I was at the right age (24), I got my dream job, I was almost finished with post-graduate study and I was surrounded with the most loving and supportive family. I thought, love na lang kulang.

Sabi nila, pinakamahirap na kalaban ng love ay perfect timing and I believed it. Marami na akong narinig noon na love story na nauwi sa hiwalayan because it wasn’t just the perfect time, but my ex-boyfriend came just at the right time. I thought he came to put colors in my life and a silver lining in my prayers. (Nabasa ko lang yan sa kanta. Haha). Sa una tila perpekto nga ang lahat, hanggang sa dumating ang mga araw ng panloloko at marami pang problema. One by one nasira ang akala ko na ay perfect story ng buhay ko. Nahinto yung graduate study ko kasi kailangan ko alalahanin ung pagiging insecure nya. Nawala yung tiwala sa akin ng mga magulang ko dahil kailangan ko magsinungaling ng maraming beses dahil sa kanya.  Maraming bagay sa trabaho ang naisantabi ko. Nawala ang professionalism. Walang linggo na hindi ako umiiyak. Minsan dahil sa nag-away kami, o di kaya napagalitan ng magulang ko dahil sa kanya o simple dahil nahuli nanaman syang may kalambingan sa text at marami pang iba.  Yung relasyon na nga namin yung klase ng relasyon na walang katahimikan, puro bagyo.Sa unang monthsary pa nga lang namin, nambabae na sya. Pero dahil nagmamahal ako at higit sa lahat ay nagbubulag-bulagan, tumagal kami nang halos dalawang taon.

Yes, dalawang taon na pag-aakala na we could work it out. Dalawang taon na pag-aakala na it is better to rebuild than to start all over again. Dalawang taon na pagdadasal, nagbabakasakali na magigising ako isang araw na okay na ang lahat and I would look back with no regrets sa mga naging problema namin and I would say “we made it”. Dalawang taon din na natakot na baka hindi ko kayanin kung mawala s’ya. Dalawang taon bago ko narealize na I am better off without him. Dalawang taon bago ko narealize na hindi lahat ng mukhang Prince Charming na dumating sa right time ay right person, kasi baka ang right person ay dumating sa panahong  gulong-gulo ka na sa buhay mo.

I broke up with him, full of doubts if I could ever move on. There were too long nights when I was thinking if there would be someone who could accept me for being me. I was afraid I would never fall in love again. I was also afraid that I would meet someone who was masked with “the right one” facade again only to learn later that he wasn’t.

And with age that was nearing 30, I began to consider that I may become an old lady. Hindi ako natakot. I began praying that if ever I would be an old lady, I hoped that I would never be the sad and “masungit” type. I prayed also that God would not let me fell in love with someone who isn’t a sincere man of virtue. Ang sabi ko kay Lord, “kung hindi nyo lang rin ako bibiyan ng nobyo na hindi ako ilalapit sa iyo at bagkus ay ilalayo lang ako, gawin n’ya na lang akong matandang dalaga.”

Hindi ko hinintay si Prince Charming o si the right one. Nagfocus ako sa relasyon ko sa Diyos at sa pamilya ko. Pinilit kong makabalik sa pag-aaral at inayos ang pagtratrabaho. Mas nagkaroon din ako ng panahon sa mga kaibigan.

Merong mga dumating na maliligaw daww o di kaya pinakilala ng mga kasamahan sa trabaho pero hindi din sila nagtatagal. Sa panahon kasi ngayon, gusto lahat instant, mabilis. Kailangan online ka at active para sa kanila, parang facebook messenger. Kapag offline ka na o di ka nanagrereply, log out na rin sila sa buhay mo. Hanap naman ng ibang ka-chat. Hindi naman ako nanghinayang. Kung tunay ang kanilang intensyon hindi kailangan maghintay. Ang nagmamahal kayang maghintay. Ang panliligaw hindi minamadali.

Throughout the time I was single ang dami kong nagawa at na-achieve. Nakilala ko si Mother Nature. Nahilig sa pamumundok. Doon ko nakilala si Mr. Hiker. Hindi si Mr. Right. Huwag ka muna kiligin. Pero aaminin ko kinilig ako noong unang nagtagpo ang aming mga mata.

To make the story short, after two years, nalaman ko na kung bakit kami nagbreak ng una kong nobyo. Simple lang, kasi hindi sya ang nilaan sa akin ni Lord. Kung siya nga ang para sa akin, anuman ang dumating na unos sa relasyon namin ay siguradong maayos namin, pero hindi. Kasi may bagong darating. Siya yung taong darating hindi sa tamang panahon kundi sa tamang pagkakataon. Yung pagkakataong hindi mo inakala.

 

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s